-- Advertisements --

Kailangan pang dumaan sa kaukulang proseso ng pagsusuri ang alok ng Asian Development Bank na  1.75 billion dollar financing assistance sa pamahalaang Pilipinas.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, Department of Finance ang magsasagawa ng pag- aaral kaugnay ng offer ng ADB.

Partikular na aaralin ng DOF ang terms and conditions ng financing offer at itoy para masigurong naaayon sa fiscal and debt management objectives ng pamahalaan.

Sa gitna nito ay inihayag ni Castro na malaking tulong ang naturang offer ng DBM na naglalayong mabawasan ang economic impact ng Middle East conflict sa bansa.

Malinaw din aniyang pagpapakita ito ng tiwala ng mga development partners sa kakayahan ng gobyerno na tumugon sa mga pandaigdigang hamon. 

“According sa DBM, ang alok po na ito na financing mula sa ADB ay isang malaking tulong at malinaw na nagpapakita ng tiwala sa ating development partners sa kakayahan ng pamahalaan na tumugon sa mga pandaigdigang hamon. Gayunpaman, ayon sa DBM, ito ay kailangan dumaan pa rin sa kaukulang proseso ng pagsusuri at pag-apruba ng pamahalaan. Kailangan pong aralin ng Department of Finance ang terms and conditions ng financing upang matiyak na ito ay naaayon sa fiscal and debt management objectives ng pamahalaan,” pahayag ni USec. Claire Castro.