-- Advertisements --
Humabol pa para sa kanilang abiso ang ilang kompaniya ng langis para sa ipapatupad na oil price increase.
Nabatid na nauunang maglabas ng anunsyo ang malalaking oil firm, habang humahabol na lang kalaunan ang small oil players.
Narito ang inaasahang pagtaas ng presyo ng mga produkto, epektibo sa Martes, Agosto 30, 2022.
Gasoline: P1.20-1.60/L
Diesel: P5.90-6.20/L
Kerosene: P5.80-6.10/L
Maaari pa namang magbago ang ipaiiral na price hike, kung maaapektuhan ito ng external factors o bentahan ng nasabing produkto sa pandaigdigang merkado.