-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police na wala na sa kanilang kustodiya si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Sinabi ni PCol. Allen Rae Co ang officer in charge ng Public Information Office ng Philippine National Police, na nitong gabi ng Martes, Hunyo 2 ay nailipat nila sa isang pribadong pagamutan ang dating opisyal.

Ang nasabing hakbang ay base na rin sa naging rekomendasyon ng doctor mula sa General Hospital ng Philippine National Police dahil sa kulang ang pasilidad ng kanlang pagamutan.

Natitiyak namang police opisyal na bantay sarado ang kinaroroonan ng dating Kalihim kung saan limitado lamang sa abogado at malapit na kaanak lamang ang pinapayagang makalapit.

Magugunitang itinakbo PNP General Hospital si Bonoan ilang oras matapos na lumabas ang warrant of arrest nito dahil sa kasong plunder mula sa Sandiganbayan dahil sa pagtaas ng kaniyang blood pressure.

Naghain ito ng apila sa Sandiganbayan na kung maaari ay ma-hospital arrest ito dahil sa dinaramdam niya.