-- Advertisements --
doj GUEVARRA
doj GUEVARRA

Todo ngayon ang panawagan ng Department of Justice (DoJ) sa mga simbahan at spiritual leaders na tumulong na rin sa pamahalaan matapos ang biglaang pagtaas daw ng kaso ng pagpapakamatay ngayong kasagsagan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, tinawagan daw mismo siya ni Inter Agency Task Force (IATF) national task force Chief Implementer Carlito Galvez para iparating ang nakakalungkot na balita.

Dahil dito, hinihiling na ni Guevarra sa mga pari at mga spiritual leaders na tumulong sa counselling at guidance sa kanilang mga miyembro at followers na nakakaranas ngayon ng depresyon.

Ito ay dahil na rin sa pagkawala ng kanilang trabaho, pagkakakitaan, nariyan na rin ang takot na makapitan ng nakamamatay na virus.

Maliban dito, nararanasan din ng karamihan sa mga Pinoy ngayon ang kalungkutan dahil sa isolation at kawalan ng pag-asang manunumbalik pa ang kanilang pamumuhay sa normal.

Inaasahan ni Guevarra ang kooperasyon ng mga pari at church leaders para magbigay ng mensahe ng pag-asa sa mga nagdudusa ngayong kababayan para maibsan at makayanan ang mas marami pang insidente ng self destruction.

“I received a phone call today from sec carlito galvez, chief implementor of the IATF national task force, regarding the alarming increase in the number of suicides during these pandemic times. he is seeking the help of our churches and spiritual leaders in providing counsel and guidance to their members and followers who are undergoing depression due to loss of employment or livelihood, anxiety of being afflicted with or dying from the dreaded disease, loneliness arising from isolation, and lack of hope for a return to their normal lives. i share sec galvez’s concern and respectfully request our spiritual leaders to bring this much needed message of hope to our suffering countrymen in order to stave of more incidents of self-destruction,” wika ni Guevarra.