-- Advertisements --

Nakatuklas ang mga awtoridad sa Vietnam ng bagong coronavirus variant na kombinasyon ng Indian at UK COVID-19 variants na kumakalat nang mabilis.

Matapos kasing matagumpay na containment sa virus sa loob ng mahigit isang taon, sa kasalukuyan ay nakakaranas nang pagtaas sa bilang ng infections sa naturang bansa magmula noong Abril.

Ayon kay Health Minister Nguyen Thanh Long, maglalabas ang Vietnam ng genome data ng bagong tuklas na variant.

Ang variant na ito ay mas nakakahawa aniya kumpara sa mga nauna nang natuklasan na uri ng coronavirus.

Sa ngayon, apat na variants ng coronavirus ang kinukonsidera ng World Health Organization bilang global concern.

Kabilang sa mga variants na ito ay ang unang natuklasan sa India, Britain, South Africa at Brazil.

Sa ngayon, wala pang sagot ng WHO sa variant na natuklasan sa Vietnam. (Reuters)