-- Advertisements --

Nakuha ng Hungarian writer na si László Krasznahorkai ang 2025 Nobel Prize in Literature.

Sa ginawang seremonya sa Stockholm, Sweden, ay pinuri ng Nobel Committee si Krasznahorkai dahil sa pagpapalaganap nito ng power of art.

Kabilang na pumuri sa mga gawa nipa ay si Literary critic James Woods.

Isinilang noong 1954 sa Gyula, Hungary dalawang taon bago maganap ang Hungarian Revolution.

Isa mga gawa nitong nobela noong 1985 na “Satantango” ay ginawa pa sa pelikula noong 1994 ni Hungarian director Bela Tarr.

Habang ang gawa nito noong 2021 na “Herscht 07769” ay tinaguriang great contemporary German novel.