-- Advertisements --

Nakatakdang magkita muli sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Ayon kay White House Press Secretary Karoline Leavitt , na nagkausap ng mahigit dalawang oras ang dalawa kung saan isa sa mga tinalakay nila ay ang pagtatapos na ng giyera sa Ukraine.

Unang nagpasya ang dalawa na magkaroon ng pulong ang mga opisyal ng kanilang gobyerno sa Hungary sa susunod na linggo na susundan ng kanilang pagkikita muli.

Ang nasabing pag-uusap ng telepono ng dalawa ay isang araw bago ang gagawing muling pagbisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa White House para humingi ng Tomahawk missiles sa US laban sa Russia.