Pinili ng Houston Rockets ang Dallas assistant coach na si Stephen Silas upang ipalit sa dating head coach na si Mike D’Antoni.

Bago ito si Daryl Morey ay bumitaw na rin bilang general manager makaraan ang pag-alis ni D’Antoni.

Pumalit naman kay Morey bilang bagong GM ang vice president of basketball operations na si Rafel Stone.

stephen silas Rockets
Coach Stephen Silas

Samantala, ang 47-anyos na si Silas ay nagsimula sa kanyang coaching career ng maging staff siya noon ng kanyang tatay sa Charlotte Hornets noong 2000.

Liban nito, inabot din si Paul ng 16 na taon bilang player sa NBA at 22 taon bilang coach.

Ang longtime NBA assistant ay nakatrabaho na rin ang ilang mga elite guards tulad na lamang sa Mavs kasama ang 21-anyos na si Luka Doncic.

Sa bagong team ni Silas, hahawakan naman niya ang dalawang bigating dating MVPs na sina James Harden at Russell Westbrook.