Inaprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang House Bill 9710 o panukalang i-revoke o bawiin ang legislative franchise ng Swara Sug Media Corporation na nag-ooperate sa business name na Sonshine Media Network International (SMNI).
Una rito, nagmosyon si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, na vice chairman ng komite.
Sa botohan, walang tumutol sa mosyon.
Pansamantalang nagbreak ang hearing kanina, para ihanda ang committee report at sa kalauna’y inaprubahan na rin ang draft committee report.
Nakatakda namang iakyat sa plenaryo ang nasabing report at aaprubahan sa second at third and final reading.
Una nang inakusahan ang SMNI na lumabag sa prangkisa gaya ng pagpapakalat ng fakenews, red tagging at iba pang isyu.
Nilinaw naman ni Committee Chairman Rep. Gus Tambunting na ang kaniyang direktiba ay arestuhin si Quiboloy at dalhin sa House of Representatives ng sa gayon maipaliwanag nito ang kaniyang panig.
Kumpiyansa naman si Tambunting na makunbinsi ni Atty. Ferdinand Topacio ang kaniyang kliyente na humarap ito sa Kamara.
Paglilinaw naman ni Tambunting na kanila ng tinapos ang isyu sa revocation ng kanilang prangkisa subalit may mga resolution pa rin na nakahain sa house panel na kailangan humarap si Quiboloy.
Pero kung sa isyu ng prangkisa ay kanila na itong natapos sa committee level.