Umapela ang mga house leaders kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na ang mga kalokohan at ang paggawa ng mga istorya.
Ang panawagan ng mga house leaders ay kasunod sa alegasyon ng dating pangulo na ang Peoples Initiative ay naglalayong ilipat ang bansa sa isang parliamentary system na wala naman itong constitutional basis.
Hinamon naman ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang dating Pangulo na maglabas ng ebidensiya o pruweba na isinusulong ng Kamara ang constitutional reform kabilang ang political amendments.
Sinabi ni Dalipe na natuwa sila ng ihayag ng Senado na simulan na nilang talakayin ang RBH no.6 na naglalayong amyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas.
Batay sa alegasyon ni Duterte sa sandaling malipat na sa parliamentary form of government si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang magiging prime minister at susundan ito ni Senior Deputy Majority Leader and Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos.
Nilinaw naman ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, Chairman ng House committee on constitutional amendments ang Peoples Initiative ay hindi magreresulta sa ilang indibidwal na maging prime minister at malabong magkakaroon ng perpetuation of power dahil wala itong constitutional at legal basis.
Ang People’s initiative ay hindi makapag papabago sa uri o sistema ng gobyerno.
Sa panig naman ni Dalipe ang nasabing haka haka ay maaring patunayan sa tinransmit ng House of Representatives sa senado.
Sabi ni Dalipe ang ipinadala ng Kamara sa Senado nuong Marso ng nakaraang taon ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 “ inakda ng 302 congressmen na nananawagan ng constitutional convention para amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Kaya malinaw ito na walang nakalagay duon na political amendments.
Tiniyak naman ni Speaker Romualdez sa mga senador na agad pagtibayin ng Kamara Zubiri-Legarda-Angara resolution sa sandaling maaprubahan ito at maipadala sa Kamara.