-- Advertisements --

Inilunsad ng Mayors for Good Governance (M4GG) ang hotline para agad na maiparating ng publiko ang maanomalyang proyekto ng gobyerno sa kanilang lugar.

Tinawag ito na REPORT INFRA para magkaroon ng ligtas at accesible channel ang mga mamamayan, empleyado ng gobyerno, contractors at mga negosyante na mamamahagi ng beripikadong impormasyon o ebidensiya ng mga ibat’-ibang uri ng anomalya.

Maaring tumawag ang publiko at magsumite ng tip sa telepono (02) 8459-0143 mula Lunes hanggang Biyerne ng alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon o sa pamamagitan ng online sa reportinfraph at mayorsforgoodgovernance.ph/reportinfraph o mayorsforgoodgovernance.ph/reportinfraph.

Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong isa sa mga bahagi ng coalition na itinaguyod ang hotline para mabilis na maiparating ng mga tao ang kanilang hinaing at mga nakikitang anomalya sa mga iba’t-ibang proyekto ng gobyerno.

Bawat isinusumiteng impormasyon ay maingat na inaaral ng kanilang legal at technical team at ang mga verified reports ay kanilang isususmite sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).