Isinara ng mga otoridad sa Spain ang isang hotel sa Tenerife matapos na magpositibo sa coronavirus ang isang bumibisitang Italian doctor.

Pinayuhan ang nasa ilang daang guest ng H10 Costa Adeje Palace Hotel na manitili sa kanilang kuwarto habang isinasagawa ang pagsusuri.

-- Advertisement --

Galing sa Lombardy region ang doctor habang ang asawa nito ay nagpositibo na rin sa virus.

Ayon sa mga otoirdad mahigpit na binabantayan ang mga hotel guest at sila ay sinusuring mabuti .

Pinalibutan na ng mga kapulisang ang hotel para hindi basta makalabas ang mga guest.