Pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang mga ospital sa buong bansa na paghandaan ang posibleng allergies na maranasan ng mga mabakunahan ng COVID-19 vaccine kapag makapasok na ito ng bansa.
Ito ang inilabas na pahayag ng ahensiya matapos lumabas sa report mula United Kingdom na dalawang healthcare workers na nakatanggap ng bakuna ay nakaranas ng allergic reaction mula sa Pfizer vaccine.
Tinawag ni Health Secretary Francisco Duque III na isa lamang ito na normal incident bilang adverse aspect na dapat asahan at paghandaan ng mga health facilities.
Kailangan din na paghandaan ng mga ospital ang gamot na ibibigay sa mga pasyenteng magkaroon ng allergy sa nasabing bakuna.
Hinimok din nito ang publiko na may allergies na huwag na lang muna magpaturok ng bakuna kasi posibleng magkaroon din ng malubhang allergy at magdulot ng anaphylactic shock na posibleng magresulta sa malaking problema.
Nauna nang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergerie sa publiko na huwag mag-alala at mangamba dahil may ilalabas silang mga tamang advisories sa publiko may kaugnayan sa inclusion at exclusion criterias sa mga recipients.