-- Advertisements --
Aabot sa dalawang milyon mga katao ang inilikas sa Punjab, Pakistan matapos ang pananalasa ng baha.
Sinabi ni national disaster management chief Inam Haider Malik na mayroong 150,000 katao rin ang inilikas sa Sindh province.
Inaasahan din nito ang pagtaas ng nasabing bilang ng mga ililikas sa mga susunod na mga araw.
Ang malawakang mga malalakas na pag-ulan ay kumitil na ng mahigit 900 katao mula pa noong Hunyo.
Dahil sa ilang araw na pag-ulan ay umapaw na ang maraming mga ilog sa iba’t-ibang bahagi ng Pakistan.