LAOAG CITY – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggunita sa ika-108 anibersaryo ng kapanganakan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang alalahanin ang mga nagawa ng kanyang ama sa kanyang panunungkulan bilang dating Pangulo ng bansa na nagpapakita ng sakripisyo ng isang Pilipino.
Dapat aniyang ipaglaban ang dignidad ng bawat Pilipino.
Kaugnay nito, isang thanksgiving mass ang ginanap sa Immaculate Conception Church, wreath-laying ceremony sa Marcos monument, distribution ng medical equipment at vegetable cook off sa Imelda Cultural Center sa lungsod ng Batac habang may misa sa Monica Church at wreath-laying ceremony sa Ferdinand Edralin Marcos Memorial Monument sa bayan ng Sarrat.
Napag-alaman na may mga iba’t ibang aktibidad at programa ang gaganapin tulad ng Paligsahan sa Panitikan at Sining, Job Fair, I Love Ilocos Norte Concert at marami pa.