-- Advertisements --

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Kamara sa loob ng Batasan Complex, dalawang linggo bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

BB JOYCE BERNAL SONA PREPS 1

Tiniyak ng Office of the Speaker na matatapos ang ginagawang pagkukumpuni, pagpipintura at paglilinis bago ang SONA ni Pangulong Duterte sa Hulyo 22.

Nakatakda namang magsagawa ng walk-thru ang Task Force SONA 2019 sa darating na Huwebes para i-practice ang paglalakad mula sa panggagalingan ni Pangulong Duterte hanggang sa makarating ito sa loob ng session hall.

Samantala, nitong umaga naman ay nagsagawa rin ng inspeksyon ang batikang direktor na si Bb. Joyce Bernal upang tingnan ang plenary hall at planuhin ang magiging SONA ng Punong Ehekutibo.

BB JOYCE BERNAL SONA PREPS

Si Bernal ang magdi-direct muli ng live broadcast ng SONA ni Pangulong Duterte.

Inusisa ni Bernal kay House Sec. Gen. Roberto Maling kung anong bulaklak ang gagamiting dekorasyon sa session hall para sa SONA, gayundin ang ilaw rito.

Nais naman din ng direktor palagyan ng weave o habi mula sa Mindanao ang podium kung saan tatayo si Pangulong Duterte para sa magiging talumpati nito.

Iginiit nito na nais niyang gawing “hopeful, good, and grand” ang tema magiging dating sa telebisyon ng SONA 2019.

Katulad noong nakaraang taon, libre ang magiging serbisyo ni Bernal para sa SONA 2019 dahil ito ay para naman aniya sa Pilipinas.