-- Advertisements --

Walang plano si Senadora Risa Hontiveros na sumapi sa Duterte bloc na binubuo ng mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpasok ng 20th Congress. 

Tugon ito ni Hontiveros sa mga ulat na nais maging oposisyon ng grupo sa Senado na ayon kay Hontiveros senyales ito na naghahanda silang makipagtagisan para maging minority bloc sa Senado.

Kung sakali man aniyang itulak ng Duterte bloc na sila ang maging minority may option pa rin daw si Hontiveros na maging isang independent o bumuo ng independent bloc.

Samantala, wala rin daw balak si Hontiveros na sumapi sa Majority bloc ng Senado. 

Mahalaga aniyang maging consistent na maging minority lalo na’t hindi naman daw siya kaalyado ng kasalukuyang administrasyon. 

Dahil dito, target ng senadora na maging susunod na Senate minority leader sa pagpasok ng panibagong Kongreso. 

Kung hindi naman daw siya ang susunod na minority leader, plan b niyang maging independent o bumuo ng independent bloc sa mataas na kapulungan ng Kongreso. 

Kabilang sa inaasahan ng senadora na makasasama niya sa grupo sa Senado ay ang mga inendorso niyang sina SenatorE-elect Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Gayunpaman, iginiit ni Hontiveros na kung anuman ang maging pinal na organisasyon ng 20th congress Senate, ang mahalaga aniya sa kanilang grupo ay may mananatiling magtitiyak ng check and balance at magiging fiscalizer — ito man ay minority o independent bloc.