-- Advertisements --

Nagpaliwanag na ang pulis na nakabaril sa isang raliyista kasabay nang nagpapatuloy na malawakang kilos-protesta sa Hong Kong.

Sa isang press conference ngayong araw, inamin nito na wala siyang masamang intensyon sa nasabing insidente at ikinatatakot din daw nito na bawiin ang kaniyang baril.

Sa bersyon ng kaniyang kwento, kinuha nito ang kaniyang service revolver upang magsilbing warning sa mga nagpo-protesta. Subalit hindi nagpatinag ang mga raliyista at sinubukan pa nito na agawin ang baril.

Dahil dito ay hindi na raw siya nagdalawang isip pa na barilin ng tatlong beses ang biktima.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Regional Crime Unit ng Hong Kong ang nasabing insidente. Nakatakda rin silang mgasagawa ng review sa lahat ng CCTV footages maging sa videos na inupload online upang makatulong sa naturang imbestigasyon.

Dagdag pa ng pulis, naikalat na rin daw online ang personal nitong impormasyon kung kaya’t ikinakatakot nito ang kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Hinikayat ng United States ang Iraq na magsagawa ng maagang eleksyon maging ng electoral reform matapos magbata ang ilang rights group na maghahasik ang mga ito ng kaguluhan.

“Our officers arrived to disperse the mob and to clear the roads. One traffic officer, who was not in riot gear, arrested a person. Then several others surrounded him. The officer pulled out his service revolver as a warning. However, the protester did not stop attempting to snatch the revolver,” saad ni Chief Superintendent John Tse.