-- Advertisements --

Inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang lalaking nangholdap sa isang bangko sa Western Bicutan, Taguig nitong Lunes.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen. Anthony Aberin, muntik nang matangay ng holdaper ang higit sa P7, 464, 800 na halaga kung hindi agad narespundehan ang insidente.

Batay sa naging imbestigasyon, nakatanggap ang Taguig Sub-station 2 ng isang automated alarm signal mula sa naturang bangko kaya naman agad na rumesponde ang mismong sub-station commander at dalawa pang pulis sa insidente.

Lumalabas din sa inisyal na impormasyon na nagkaroon ng resistance sa panig ng suspek dahil tinutukan pa nito ng baril sa leeg ang isa sa mga bank officers dahilan para mahirapan ang mga otoridad na mapigilan ang suspek.

Nang makahanap ng tiyempo ay kinuha na ng mga pulis ang baril kung saan naaresto ang holdaper kung saan nakumpiska sa kaniya ang isang Caliber 9mm, isang motor at ang ninakw nitong halaga.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Southern Police District ang suspek na kinilla bilang isang 54-anyos na regular na kliyente ng naturang bangko .

Mahaharap naman ito sa mga kasong may kaugnayan sa robbery, gun ban, at iba pang mga kaso na maaaring lumitaw sa kasalukuyang ongoing na imbestigasyon ng SPD.