Napilitang gawing pre-recorded na lamang sa video ang taunang policy speech ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam dahil sa panggugulo ng mga pro-democracy lawmakers sa city’s Legislative Council (LegCo).
Una rito ilang sandali pa lamang nagsisimula magtalumpati si Lam, nang biglang magsigawan ang ilang mga mambatas at ang iba naman ay may dalang mga placards.
Ang ilan sa mga democratic lawmakers ay nagdala ng placards na nagpapakita ng larawan ng mga kamay ni Lam na nabahiran ng dugo.
Iginigiit din ng mga nagprotesta na hindi bagay na mamuno o mamahala si Lam sa Hong Kong.
Tinangka naman ni LegCo president Andrew Leung na payapain ang apat na maiingay na mambatas at lumabas na lamang.
Dahil sa pagmamatigas napilitang i-adjourn ni Leung ang sesyon.
Para naman sa mga analysts kahit isulong pa ng Hong Hong government ang naturang mga inisyatiba lalo na sa pagbibigay solusyon sa kalagayan ng mahigit pitong milyong katao sa siyudad, hindi pa rin daw patitinag ang mga protesters at tiyak na kikilos at kikilos muli ang mga ito.