-- Advertisements --
Napilitang magsagawa ng emergency landing ang Delta Air Lines dahil sa tinangka ng isang pasahero na makapasok sa cockpit ng eroplano.
Ang nasabing eroplano ay mula sa Houston at patungong Atlanta.
Mayroong sakay na 85 na pasahero ang Delta flight 2557 na isang Boeing 717 na eroplano ng ideklara ng piloto ang emergency landing pabalik ng Hobby airport sa Houston.
Agad na pinosasan ang suspek at ito ay dinala ng mga kapulisan.
Matapos nito ay agad na itinuloy ng piloto ang nasabing biyahe.
















