-- Advertisements --

Tama lamang ang naging desisyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr.’s sa nito pag-invoke sa mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at United States.

Ito ang inihayag ni international maritime law expert Professor Jay Batongbacal.

Sinabi ni Batongbacal, sa patuloy na tensiyon ngayon sa West Philippine Sea tama lamang ang ginawang hakbang ng Pilipinas para hindi na lumala ang tensiyon at resolbahin ang isyu sa mapayapa at diplomatikong paraan.

Ipinunto ni Batongbacal na hindi naman tama na kapag sa tuwing may sugat ay agad magpasaklolo kay “Big Brother.”

Naniniwala ang maritime law expert na bahagi ng obligasyon at responsibilidad ng Pilipinas na kontrolin ang sitwasyon ng sa gayon hindi na ito humantong pa sa armadong kaguluhan.

Sa ngayon nagtutulungan ang US at Pilipinas pagdating sa operations sa West Philippine Sea partikular sa information-sharing, monitoring at surveillance.

Paliwanag ng Propesor na ang defense treaty ay hindi nagsasaad ng agarang pag-alsa ng armas sa sandaling magkaroon ng maritime domain conflict.

Paliwanag ni Batongbacal ang defense treaty ay epektibo na at hindi isang dormant agreement na naghihintay na i-activate.

“Ang problema lang kasi doon, mayroong parang misunderstanding, may misconception na ‘pag sinabi mong ‘triggered the Mutual Defense Treaty,” mag-uumpisa ka ng giyera. Hindi po iyon ‘yung konsepto noon,”dagdag pa ni Batongbacal.