Hindi na rin natutuwa ang ilan sa mga dating advisers ni US President Donald Trump dahil sa pagmamatigas nito na hindi siya magko-concede sa kaniyang pwesto kahit pa malinaw na ang pagkatalo nito sa katatapos lamang na halalan.
Isang linggo na ang nakakaraan ng talunin ito ni Presumptive US President Joe Biden bilang bagong pangulo ng Estados Unidos ngunit hindi pa rin ito tumitigil na harangin ang transition nila ni Biden.
Ayon kay John Kelly, dating chief of staff ni Trump, na hindi malayong mauwi sa kapahamakan ng buong Amerikang katigasan ng ulo ng American President.
Para naman sa dating national security adviser ni Trump na si John Bolton, habang lumilipas ang araw na dini-delay ng Republican president ang transition nila ni Biden ay mas lalo lamang nitong inilalagay sa bingit ng kapahamakan ang US.
Kasabay na rin ng pagmamatigas ni Trump na manatili sa kaniyang kapangyarihan ay kabi-kabilang kilos-protesta ang ginagawa ng kaniyang mga supporters.