-- Advertisements --

Maaga pa raw para sabihing naabot na ng Pilipinas ang peak o rurok ng COVID-19 outbreak ayon sa isang opisyal ng World Health Organization (WHO).

“The numbers of affected still are not a significant proportion if you look at it from the point of view of the global population or the population here in the Philippines,” ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa isang media forum.

Paliwanag ng opisyal, dapat ibuhos ng pamahalaan ang lahat ng pagsisikap nito para masigurong hindi na tataas pa ang bilang ng mga nagkakasakit sa COVID-19.

Ang publiko naman, ay may responsibilidad din umano na sundin ang mga ipinatutupad na patakaran para sa kanilang kaligtasan.

“We are aware that the Philippines needs to open up its economy. And so, as I mentioned, it’s about how we manage the pandemic, how we manage the rising number of cases.”

Ayon kay Abeyasinghe, lalala pa ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa kung hindi susundin ng publiko ang mga paalalang minimum health standards kasabay nang pagbubukas muli ng ekonomiya.

Nitong Lunes pumalo na sa 57,006 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa dahil sa 836 na bagong naitalang tinamaan ng sakit.