VP Leni Robredo
-- Advertisements --

Pinuna ni Vice President Leni Robredo ang hindi pagkonsulta ng national government sa mga local government units, lalo na sa mga probinsya, hinggil sa mga polisiya sa lockdowns.

Kasunod na rin ito ng apela kamakailan ng Leager of Provincens of the Philippines na iurong sa Nobyembre 1 ang expansion ng implementation ng COVID-19 alert level system restrictions sa labas ng Metro Manila.

Sinabi ni Robredo na marami sa mga LGUs ang hindi pa rin naiintindihan ang alert level system dahil makalipas ang isang taon at kalahati na nasa ilalim ng pandemya ay mayroon pa ring kalituhan dulot ng mga pabago-bagong polisiya.

Iginiit ng bise presidente na maraming LGUs ang nagrerekplamo dahil hindi rin sila nakonsulta at hindi rin pinapakinggan ang kanilang boses pagdating sa paggawa ng mga polisiya.

Ayon kay Robredo, sumulat siya dati kay presidential spokesperson Harry Roque para hilingin sa IATF na isama ang LPP sa decision-making process pagdating sa mga lockdowns.

-- Advertisement --

Pero tinanggihan aniya ito ni Roque dahil ang DILG na rin naman ang siyang kumakatawan sa mga LGUs.