CEBU CITY – Kinumpirma ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na nakakuha ito ng “favorable response” mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) patungkol sa posibleng pag-downgrade ng lalawigan patungong modified general community quarantine (MGCQ).

Ito’y matapos na ini-endorso na ng Regional IATF ang apela ng Provincial Government sa national government upang alamin ang assessment nito.

Maalalang personal na inalam ng IATF Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr. ang kalagayan ng probinsya tungkol sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Garcia, kailangan nang bumangon ang lalawigan matapos na nalugmok ang ekonomiya dahil sa ipinatupad na lockdown noong nakaraang mga buwan.

Hiling ngayon ng gobernadora na ikukunsidera ng national government ang apela nito sa susunod na linggo.