-- Advertisements --

Opisyal ng inilabas ng Department of Justice ang listahan ng mga indibidwal na inirerekumendang makasuhan ng National Bureau of Investigation.

Ito’y kasunod ng makakalap ang kagawaran ng matibay na sinumpaang salaysay mula sa mga testigong lumapit at lumantad kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Nangunguna sa listahan ay si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, mga senador na sina Chiz Escudero, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, former Senator Bong Revilla, kasama pati former Undersecretary Mitch Cajayon-Uy, Maynard Ngu, Beng Ramos, former Department of Public Works and Highways Undersecretary Roberto Bernardo, Enginer Henry Alcantara at iba pa.

Sumatotal, aabot ang bilang ng mga nasa listahan na inirerekumendang makasuhan ng National Bureau of Investigation sa 21-indibidwal.

Ayon sa Department of Justice, ang rekomendasyong ito ay mula sa testimonya ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways na sina Engr. Henry Alcantara, Engr. Brice Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza at Undersecretary Roberto Bernardo.

Samantala, kinumpirma naman ni Justice Secretary Remulla na bunsod nito’y kanilang inihahanda na ang hiling sa International Criminal Police Organization para isyuhan nito ng Blue Notice si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Bagama’t wala pang ‘blue notice’, tiniyak naman ng kalihim na kasalukuyan na nila itong pinoproseso kasabay ng pagiging sangkot nito sa maanomalyang flood control projects.

“Yes we’re working on it. Yes, I’m asking Assistant Secretary Eli Cruz to help us with the blue notice,” ani Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ng Department of Justice.

Aminado ang kalihim na hindi agad ito madalian sapagkat aniya’y maraming impormasyon ang bumungad sa kagawaran nitong mga nakaraan lamang.

“Ano yan, we’re still digesting all of it kasi nga massive yung information na dumating the past two days. And it’s not that easy to digest everything,” dagdag pa ni Justice Sec. Remulla

Habang layon aniya raw nito upang mabantayan at malaman ang lokasyon ng naturang mambabatas na nasasangkot sa kontrobersiya.