LEGAZPI CITY – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang dalawang suspek sa pagkakarga ng mga sangkap sa paggawa ng pampasabog na nasabat sa Sitio Bitlig, Brgy Daraga, Placer Masbate.
Nananatiling at-large sina Jesus Casinillo at Onel Alburo sinasabing may-ari ng motorboat na sinakyan ng mga kontrabando.
Ayon sa mga otoridad, nakita sa isinagawang seaborne patrol operation ang mga suspek habang nagkakarga ng sako-sakong ammonium nitrate sa motorboat sa shoreline ng naturang lugar.
Nang matugunan ang presensya ng mga otoridad kasama ang Masbate Maritime Police Stations, Placer PNP at Criminal Investigation asin Detection Group Masbate, tumakbo ang mga suspek sa bulubunduking bahagi ng lugar.
Kabilang sa nakumpiska ang isang unit ng motorized banca na tinatayang nasa 8 gross tonnage capacity at 101 sako ng ammonium nitrate na tinatayang nasa P606, 000.
Dinala na ang mga narekober na ebidensya sa kustodiya ng Placer Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Explosives.