-- Advertisements --

Nasungkit ng pambato ng Pilipinas ang kauna-unahang korona sa 2026 Miss Interglobal.

Si Margarette Briton ay nakapagtala sa kasaysayan matapos maiuwi ang 2026 Miss Interglobal sa coronation night na ginanap sa Bali, Indonesia.

Nakuha naman ng pambato ng Indonesia na si Nabila Fenelia ang first runner-up habang si Nicole Missios ng Australia ng tinanghal na second runner-up.

Habang sa Mrs. category ay nakuha ni Dariya Toleukhan ng Kazakhstan ang titulo habang first runner-up si Minnie Arora ng South Asia at Zodwa Jiyosa ng South Africa bilang second runner-up.

Sa teen edition naman ay nakamit ni Crissian Hernandez ng Cuba ang titulo na sinundan ni Valeria Lopez ng Mexico bilang first runner up at Catarian Corriea ng Portugal bilang second runner-up.

Bukod sa nasabing titulo ay naiuwi ni Briton ang special awards na kinabibilangan ng mga : Star Connect Award, Social Impact Award, National Costume Excellence Award, at Dinner Dress Award.

Si Briton ay sumali sa Miss Bicolandia 2022 kung saan kinatawan niya ang Tabaco City ,Albay at nagtapos siya sa pang-apat na puwesto.