-- Advertisements --
IMG a19e4cc650a681f61f0dcf6bb7816dde V

Pumalo na sa mahigit P41 million ang halaga ng mga medical items na nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga isinasagawa nilang operasyon laban sa ma negosyanteng nagsasagawa ng profiteering, hoarding at overpricing ng limitadong medical supplies mula nang ipatupad ang enhanced community quaratine (ECQ) dahil sa pangamba ng pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay NBI Director Eric Distor, ang mga nakumiskang items ay kinabibilangan ng alcohol at hand sanitizers, thermal scanners, personal protective equipements (PPEs) at surgical at face masks.

Maalalang ito ang mga nagkukulang sa ating mga kababayan mula nang ipatupad ang lockdown noong March 17, 2020.

Sa ngayong tuloy-tuloy umano ang isinasagawang raid ng NBI at aabot na sa 61 operations nationwide ang naisagawa ng NBI-Manila based at Regional Operations units laban sa mga nagsasamantala ngayong panahon na humaharap ang bansa sa krisis.

Maliban sa P40 million na halaga ng medical supplies nasa 122 na indibidwal na rin ang kanilang naaresto sa mga buy-bust at entrapment operations.

Sinampahan na ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A. 7581 (Price Act of the Philippines), R.A. 7394 (Consumer Act of the Philippines), R.A. 11469 (Bayanihan to Heal as One Act) at R.A. 10175 para sa mga online sellers ng mga naturang items.