Tinanggal na ng Bureau of Customs (BoC) ang nasa mahigit 3,500 na overstaying containers simula January hanggang December 2020.
Nagresulta ito sa P1.076 billion na kita ng Customs dahil public auction ng mga laman ng container kabilang ang TV, tiles, plywood at iba pa.
Maliban sa aspetong pinansiyal ay malaki rin ang tulong ng naturang hakbang ng Customs para mapadali ang pagsasagawa ng negosyo dahil nabawasan ang laman at lumuwag ang mga pantalan nito.
Ang overstaying ng mga containers ay mula sa pagkahuli o pag-abandona ng mga may ari nito sa ndi malamang dahilan at base sa Section 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act.
Ang mga kontrabando na subject para sa disposition ay maaring i-donate o ideklarang for official use ng Bureau o ibenta sa isang public auction.