-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit 86,000 ang mga Pinoy na na-repatriate sa iba’t ibang panig ng mundo matapos pumutok ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabuuang 86,077 na ang bilang ng mga Pinoy na napauwi ng pamahalaan mula nang kumalat ang COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.
Inaasahan din umano ng DFA na mapapauwi nila ang 50,000 na OFWs ngayong buwan.
Mayroon naman umanong special repatriation flight ng mga Pinoy mula Guangzhou, China sa Hulyo 30.
Samantala, sa pinakahuling data mula sa DFA, pumalo na sa 8,974 ang bilang ng mga Pinoy abroad na nag-positibo sa covid.
Pumalo naman sa 5,321 ang mga recoveries habang 633 naman ang patay.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Middle East at Africa.