-- Advertisements --

Nasa mahigit 46,000 na katao pa rin daw ang nananatiling displaced isang linggo matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Karding sa Luzon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 3,098 sa kabuuang 46,452 katao ang nananatiling displaced at ngayon ay nasa 26 evacuation centers.

Ang iba naman ay nasa ibang lokasyon.

Papalo naman sa 58,172 na kabahayana ng napinsala ng bagyong Karding at 7,150 dito ang totally damaged.

Mahigit isang milyong katao o halos 300,000 na pamilya sa Luzon ang apektado ng bagyo na unang tumama sa Burdeos, Quezon noong Setyembre 25.