-- Advertisements --

Pumalo na sa 432 ang naitalang nasugatan sa magkasunod na lindol sa Central at Eastern Mindanao.

Ito ay batay sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Tumaas ang bilang ng mga nasugatan sa 101, mula sa unang na naiulat na 331.

Sa inilabas na NDRRMC situation report Linggo ng umaga, ang death toll sa lindol ay pumalo na sa 21 habang dalawang indibidwal pa rin ang missing o nawawala.

Ang mga nasabing casualties ay naitala sa Region X, XI, XII at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, tinatayang 28,932 naman ang bilang ng mga na damaged sa infrastructure.

Sa nabanggit na bilang, 27,845 dito ay mga bahay, 854 schools, 73 health facilities, 20 places of worship, 38 private and commercial establishments, 21 roads and bridges, at 81 iba pang mga public structures.