-- Advertisements --
Mahigit 31,000 na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na napauwi sa kani-kanilang mga probinsiya matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, mula Mayo 25 hanggang Mayo 31 ay kabuuang 25,002 ang mga napauwing stranded OFWs base sa ulat ni Department of Labor and Employment (DOLE).
Mula Hunyo 1 hanggang kahapon naman ay mahigit 6,700 ang napauwi at aabot na ang mga napauwi na mahigit 31,700.
Patuloy pa rin naman umano ang pagpapauwi sa mga OFWs sa kani-kanilang mga probinsiya sa tulong ng kanilang partnership sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga bus companies at iba pang kumpanya para makauwi na ang iba pang stranded na OFWs.