-- Advertisements --
ILOILO CITY – Higit 15,000 na litro ng bunker fuel na lang ang natitira sa baybayin ng Iloilo at Guimaras kasunod ng oil spill matapos sumabog ang power barge ng AC Energy.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Commander Joe Luviz Mercurio, pinuno ng Coast Guard Station Iloilo at tagapagsalita ng Coast Guard District Western Visayas, sinabi nito na sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang manual scooping sa tumagas na bunker fuel.
Ayon kay Mercurio, higit 200,000 na litro ng langis na ang nakuha mula sa nasabing mga baybayin.
Nilinaw naman ni Mercurio na nagtutulungan sila ng AC Energy kung saan sila ang nagbibigay ng logistics, equipment at nagha-hire ng mga tao upang magsagawa ng naturang scooping.