-- Advertisements --

Hindi bababa sa 167,000 na mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) ang nawalan ng supply ng kuryente dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Karamihan sa mga kustomer na ito ay matatagpuan sa mga binahang lugar sanhi ng walang tigil na pag-ulan dulot ng masamang lagay ng panahon.

Partikular na tinukoy ng ahensya ang kanilang mga customers mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, nalalabing bahagi ng Rizal, Laguna, Batangas, at Quezon.

Ayon sa kumpanya, aabot sa 98% o katumbas ng nasa 163,000 kustomer ay nakatira sa mga binahang lugar.

Mula pa noong Hulyo 21, aabot na aniya sa 11,000 customers ang nawalan ng supply ng kuryente.

Kaugnay nito ay tiniyak ng kumpanya na patuloy na ang kanilang mga tauhan sa pagsasagawa ng pagsasaayos ng mga linya para maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga epektadong kustomer nito.

Inasahan namang magpapatuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa malaking bahagi ng bansa hanggang sa mga susunod na araw.