Higit 12,000 barangays sa buong bansa ang idiniklarang drug cleared barangays.
Ito ang iniulat ni Police Major General Mao Aplasca, Chief ng Directorate for Operations sa isinagawang Command Conference kanina sa Kampo Crame.
Ayon kay Aplasca sa kanilang datos nasa 42,045 na barangays sa bansa ang apektado ng iligal na droga.
Sa nasabing bilang nasa 12,177 pa lang dito ang drug cleared.
Pinakatalamak ang paggamit at bentahan ng iligal na droga sa NCR, Central Luzon, Bicol region, at Central Visayas.
Nangunguna sa rehiyon na may pinakamaraming drug cleared barangay ang Region 1 na umabot sa 1,967.
Pumangalawa ang Region 8 na nakapagtala ng 1,919 drug cleared barangays at ikatlo ang Region 6 na mayroong 852.
Samantala, lumalabas naman na ang Region 3, Region 5 at Region 7 ang mga rehiyon na pinaka-apektado ng pagkalat ng iligal na droga.
Positibo naman ang PNP na kakayanin ng PNP sa nalalabi pang tatlong taon na panunungkulan ni Pang. Rodrigo Duterte na maging drug free na ang natitira pang mahigit 20,000 barangays sa buong bansa.
Pero ayon kay PNP Spokesperson PCol. Bernard Banac, matutupad lamang ito kung magtulungan ang komunidad at mga law enforcement agencies sa pag resolba sa problema.
“Lalo pang paiigtingin ng PNP ang kampanya laban sa ilegal na droga, lalo na sa mga supplier, mga malalaking supplier.
Of course sa pakikipagtulungan ng ating loca government units, kailangan pong palakasin ang ating mga brgy anti drug abuse councils,” wika ni Col. Banac.