Pinabilib muli ni Dolly de Leon ang mga dumalo sa premiere ng “Nine Perfect Strangers” Season 2 sa The Beverly Estate sa Los Angeles.
Suot ni De Leon ang isang illusion mesh slip dress mula sa Brooklyn-based brand na Kid Super, tampok ang futuristic at anatomical na disenyo. Binagayan niya ito ng sleek na hairstyle at oversized na salamin.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni De Leon na thankful siya sa proyekto at excited na mapalabas ang series sa Mayo 22.
‘Thank you, Colm + @kidsuper for this trippy fit I’m OBSESSED with. Possibly not as trippy as Season 2 of ‘Nine Perfect Strangers,’ which will be released worldwide on Prime on May 22nd,’ post ni De Leon sa kanyang IG.
Gaganap si De Leon bilang Agnes, isang dating madre na may misteryosong nakaraan. Isa siya sa mga pangunahing karakter sa ikalawang season ng serye, kung saan kasama rin sina Nicole Kidman, Murray Bartlett, Annie Murphy, Christine Baranski, Henry Golding, at iba pa.
Ang Nine Perfect Strangers, na batay sa nobela ni Liane Moriarty, ay umiikot sa siyam na strangers na nagtipon sa isang misteryosong wellness retreat.
Mapapanood ang naturang series sa Mayo 22.