Kabuuang 1,114 ang mga paaralang irerekomenda ng Department of Education (DepEd) para sa face-to-face classes dry run sa mga lugar na mababa na ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, nakipag-ugnayan na raw sila sa mga regional directors na mag-reccommend pa ng mga paaralan para sa isasagawang dry run.
Pero ayon kay Briones, ang naturang mga paaralan ay kailangan pa raw ma-evaluate kung sumusunod sa proper healht protocols laban sa pagkalat ng covid.
Kailangan din umano rito ang approval ng mga magulang at local government units (LGUs).
Unan nang sinabi ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla na may hawak na silang listahan ng mga paaralan na nominated sa sa dry run ng face-to-face classes.