-- Advertisements --

Itatalaga ng Philippine National Police (PNP) sa buong bahagi ng National Capital Region (NCR) ang higit sa 10,404 mga kapulisan bilang dagdag seguridad sa mga ikakasang kilos-protesta ngayong araw sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay PNP-Highway Patrol Group Spokesperson Lt. Dame Malang, mula sa bilang na ito, nasa humigit kumulang 680 ang kabuuang bilang na itatalaga ng kanilang yunit sa mga pangunahing lansangan sa buong bansa.

Ang 680 na mga personnel na ito mula sa kanilang yunit ay para maging karagdagang assistance sa PNP local police force para sa isang mapayapa at ligtas na selebrasyon ngayon ng Araw ng Paggawa.

Samantala, nanawagan naman ang PNP-HPG sa mga magsasagawa ng mga rally ngayong araw na panatilihing sundin ang mga umiiral na batas sa bansa upang maiwasan ang mga hindi inaasahan sa kanilang mga ikakasang programa.

Pagtitiyak pa ni Malang, pananatilihin ng kanilang hanay na maging maayos at maiiwasan rin ang kahit ano mang mga klase ng insidente at kapahamakan sa publiko dahil sa mga kilos protesta ngayong araw.

Tiniyak rin ni Malang ang publiko na handa ang kanilang yunit poara tiyakin na may sapat na seguridad, kaayusan at ligtas ang mga mamamayang pilipino para sa selebrasyon ngayong araw.

Target naman ng kanilang hanay at maging ng kabuuan ng PNP na makapagtala ng zero incidents at accidents ngayong araw para sa isang mapayapang obserbasyon ng Labor Day.