-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nananawagan sa ngayon ang mga health authorities sa higit 100 mga Islam missionaries na kasama sa 215 preachers na dumalo sa religious gathering sa Malaysia kasama ang dalawang nagpositibo sa COVID-19 na makipag-ugnayan agad sa kanila.

Ito ay matapos na magpositibo sa coronavirus infection ang dalawa sa mga ito kung saan isa na ang binawian ng buhay sa Amai Pakpak Hospital sa Marawi habang ang isa pa ay naka-confine ngayon sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City.

Ang dalawang daan at labinglima na Filipino Islam preachers ay pumunta sa Malaysia noong nakaraang buwan na nagmula sa limang probinsiya na sakop ng BARMM.

Matapos makumpirma na nagpositibo sa coronavirus ang isang PUI sa Cotabato Regional Medical Center ay ipinatupad agad ang lockdown sa Cotabato City bilang precautionary measure kung saan nagpatupad na ng curfew mula 8:00 hanggang alas-5:00 ng umaga.

Kasabay nito, nanawagan naman ng pang-unawa at kooperasyon ang Cotabato City Government sa mga naapektuhan ng ipinapatupad na lockdown.

Sa panayam ng Bombo Raydo Koronadal kay Rasalan, sinabi nito na hinihiling nila sa mga mamamayan ng lungsod lalo na sa mga kamag-anak ng nabanggit na mga Imam na ipaalam agad ang kanilang mga sitwasyon.

Ito ay sa layuning hindi na dumami pa ang mahawaan ng COVID-19.