Kinumpirma ni House Committee on Justice chair Rep. Gerville Luistro ang pagsumite ng 15 pahinang sagot ni Vice President Sara Duterte sa dalawang impeachment complaints laban sa kaniya sa pagpapatuloy ng deliberasyon ngayong Huwebes, Marso 18.
Ayon kay Luistro, pirmado ito ng 16 na abogado ng Pangalawang Pangulo.
Ang tugon aniya ng Bise Presidente ang bago ngayon mula sa naunang mga del impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon pa kay Luistro, susuriin ng komite ang naging sagot ni VP Sara kung mayroon itong clarity at sufficiency, malinaw at direktang pagsagot sa bawat alegasyon.
Inihayag din ni Rep. Luistro na matapos suriin ang sagot ng Pangalawang Pangulo at makitaang may sapat na batayan, itutuloy ang pagliliitis at kung wala ay hindi ito uusad.
Matatandaan, nauna nang pinadalhan ng komite si VP Sara ng kopiya ng dalawang impeachment complaints at binigyan ng 10 araw na palugit para tumugon, bilang bahagi ng rules ng komite.
















