ILOILO CITY- Ni-lockdown ang City Engineer’s Office sa Passi City, Iloilo matapos nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang regular employee ng nasabing opisina.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Passi City Mayor Atty. Stephen Palmares, sinabi nito na ang nagpositibo ay isang 46 anyos na lalaki, residente ng Barangay Agdayao sa nasabing lungsod.
Ayon kay Mayor Palmares, improving ang kondisyon ng pasyente matapos nagkaraoon ng lagnat at nawalan ng panlasa.
Hindi pa matukoy kung paano na-infect ang pasyente ngunit ayon kay Palmares, nagtungo ang nasabing pasyente sa Lungsod ng Iloilo.
Nakatakda namang isailalim sa swab test ang lahat ng mga empleyado ng City Engineer’s Office kabilang na ang naka-close contact ng pasyente sa kanyang barangay na mahigit sa isang daang indibidwal.