KORONADAL CITY – Humabol sa pagpapakasal ang 112 couples sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato isang araw bago ang Valentine’s Day.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mayor Floro Gandam, isinagawa ang “Kasalan ng Barangay” sa Barangay Gymnasium ng Barangay T’kunel, Lake Sebu, South Cotabato bilang kulminasyon na rin sa selebrasyon ng Civil Service Month.
Ayon kay Mayor Gandam, isinagawa ang kasalan sa “new normal set-up” at nakasuot ng face mask ang mga ikinasal.
Maging ng sinabi na umano ng alkalde na tapos na ang seremonya at maaari nang halikan ang mga bride ay hindi na nagtanggal pa nga face mask ang magpares.
Napag-alaman na libre ang nasabing kasalan na taon-taon na umanong ginagawa sa pangunguna ng Local Government Unit at Civil Service Commission.