Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpanaw ng isang drayber na benepisyaryo ng cash assistance nitong Sabado, Abril 18.
Agad na nag-utos si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Field Office NCR na makipag-ugnayan sa ospital at pamilya ng nasawi upang matiyak ang agarang tulong.
Personal din siyang nakipagpulong sa pamilya sa ospital nitong Linggo, Abril 19, upang ipaabot ang pakikiramay at alamin ang kanilang mga pangangailangan.
Sa ngayon, naipagkaloob na ng DSWD ang tulong para sa gastusin sa ospital, burol at libing, transportasyon ng mga kamag-anak, at suporta para sa pag-aaral ng anak ng drayber.
Ang insidente ay naganap sa gitna ng malawakang pamamahagi ng ayuda sa mga motorcycle taxi at delivery riders sa Metro Manila, kung saan libu-libo ang pumila sa Quezon Memorial Circle at iba pang payout centers.
















