-- Advertisements --
Patuloy ang effusive eruption ng Mayon Volcano sa ika-104 na araw ng aktibidad nito.
Naitala kaninang alas-4:10 ng madaling araw ang pag-agos ng kumikinang na lava, pyroclastic density currents o tinatawag na uson, at madalas na pagguho ng mga bato mula sa bulkan.
Nanatili sa Alert Level 3 ang estado ng bulkan, na nangangahulugang may patuloy na pag-aalboroto at posibilidad ng lalo pang paglala ng aktibidad.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) upang maiwasan ang panganib sa buhay ng publiko.
Patuloy ding pinaaalalahanan ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad.
















