BAGUIO CITY – Arestado ang isang high value target sa Poliwes, Baguio City kahapon.

Nakilala itong si Cheryl Pilogo Asim, 33-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng naghalong puwersa ng mga operatiba sa pamumuno ng Baguio City Police Office Station 8.

Narekober sa suspek ang tatlong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, aluminom foil, tatlong lighter, vials, dalawang straw, needle syringe at iba pang drug paraphernalia.

Nahaharap si Asim sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.