CENTRAL MINDANAO-Isinuko ng isang residente sa bayan ng Datu Montawal Maguindanao ang isang mataas na uri ng armas sa militar at pulisya.
Ang armas ay isang 50 caliber sniper rifle o barret kasama ang dalawang bala.
Pormal na tinanggap ng militar at pulisya ang isinukong armas sa simpleng programa sa harap ng munisipyo ng Datu Montawal na sinaksihan nila Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal,Vice-Mayor Datu Vicman Montawal,mga kawani ng LGU-Datu Montawal,SB Members at labing isang Barangay Chairman.
Sinabi ni Mayor Datu Otho Montawal na ang isinukong armas ay kabilang sa mga loose firearms na pinaghahanap ng gobyerno.
Matatandaan na ang mag-amang Montawal at LGU-Datu Montawal ay todo suporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga losse firearms lalo na sa Anti-Drug War.