-- Advertisements --
Natukoy na ng Bureau of Fire Protection (BFP_ ang sanhi ng sunog sa opisina ni Manila City Vice Mayor Chi Atienza.
Ayon sa BFP na ang lumang electrical wirings at sockets ang dahilan ng pagkasunog ng nakasaksak na refrigerator.
Nagsimula ang sunog ng 5:35 umaga nitong Miyerkules, Setyembre 2 at itinaas sa unang alarma ng 5:57 ng umaga.
Bumigay din ang ilang bahagi ng kisame ganun din ay nagtala sila ng water damage sa nasabing opisina.
Naapula naman ang apoy ng dakong 6:21 ng umaga.
Sinabi naman ng alkalde na ang luma na ang mga electrical wirings at sockets kaya ito nasunog.
Pansamantalang isinara ng alkalde ang opisina hanggang makakuha ito ng clearance mula sa BFP.










